kwento ko muna ang napakasayang experience sa OUTREACH kanina.
haha
ewan, I REALLY DONT LIKE KIDS.
promise.
hindi naman sa ayaw.
kaya lang, ganun talaga e. mejo maikli pasensya ko sa mga bata ang pagkakakilala ko sa sarili ko hehe.
pero kahit papano,
kahit na maikli pasensya ko sa mga un kaya ko pa nmng magalaga ng bata:D
my naalagaan ako, nagngangalang Cyrus.
sa totoo lng, hindi ko nmn talaga xa dapat alagaan e.
kaya lang nakita ko xa ngpapasaway sa loob ng silid aklatan,
tas napansin ko rin na nagugulo ung activity
kung kaya nmn nilapitan ko siya at kinausap ko xa.
dun nagsimula ang kalbaryo ko sa outreach haha.
ang kulit kulit niya AS IN! super makulit.
kaya ang ginagawa ko, binantayan ko xa as in super bantay.
nagmukha tuloy akong isang nanay. sabi nila chad at mich. hehe
ang kulit kase, nakikipaghabulan pa sakin. HINAHABOL KO NAMAN! eh sa ganun ako magalaga ng bata eh:P
haha. pero that time, masakit talaga ulo ko.
as in super masakit ang ulo ko.
bago pa ako magoutreach.
kaya nga ako nalate sa CAT eh.
at habang nagmamarchings kami sumasakit pa ulo ko!
o di ba! nice one.hehe
pagkatapos. after nmn ng outreach.
BOOM!
sobrang sumakit ang ulo ko! haha
nadagdagan pagkatapos ng outreach.
dahil sa bata.
lalong lalo na dahil kay Cyrus.. haha!
aun tama muna ang first experience ko sa outreach.:D
pagkakatanda ko eto ata ang una kong outreach. at nging masaya naman (outreach na kami talaga pupunta sa ibang lugar ah:)hehe)
ok gawin na natin ang talagang layunin ko sa pagbloblog ngayon.
--------------------------------------------------------------------------------------------------
well, nabasa naman ang title diba? LET US CLEAR EVERYTHING.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------
ganito kasi ang nangyari noong araw na iyon:
may pinaguusapan kami, mga kadete, ng mahalagang bagay na kung saan ay umabot na sa punto na ako ay nagagalit dahil sa hindi magandang nakikita ko sa aming pagsasama.
alam niyo kasi, para maging epektibo ang isang samahan kailangang magkaroon ng pagkakaisa sa bawat kasapi ng isang samahan.
iyon ang pinaguusapan namin noong gabing iyon.
isang mahalagang bagay na kinakailangang bigyan ng pansin at atensyon sa lalong madaling panahon.
hindi sa pinangungunahan ko ang isang bagay
pero maaari kaming maging isang lider ng samahang aming sinalihan.
kung hindi kami gagawa ng paraan para kami magkaisa
bago pa man dumating ang araw na maaari kaming maging isang lider,
ano na ang mangyayari sa amin?
ano na ang mangyayari sa samahang iginagalang ng lubos?
sa samahang pinagkaingat ingatan ng dati pang mga opiser at patuloy na iniingatan ng kasalukuyang officer?
hindi ba?
kung papasok naman ako sa isang bagay at minahal ko ito,
hindi ko na magagawa pang hayaang masira ito.
sana ganito ang pagkakakilala niyo sa akin noon pa man
para maintindihan ninyo
kung bakit ako nagbigay ng komento at reaksyon ng sobra sobra.
eto ang importanteng bagay na pinaguusapan namin.
isang bagay na karapat dapat na pagusapan.
at hindi ko matanggap na nais niyo akong papiliin sa pagitan nito
at sa kaunting oras para sa mga kaibigan na maaari ko namang magawa sa paaralan.
oo, alam ko na may pinupunto kayo sa bagay na iyon.
alam ko na kami kami na nga ang magkakasama araw araw
bakit hindi pa naming magawang sumama sa inyo sa oras ng aming paglabas sa paaralang iyon.
tulad na rin ng sinabi ko kanina,
kapag nagmahal ako ng bagay
hindi ko magagawang hayaan na lang ito
kapalit ang isang bagay
na alam ko namang nagagawa naman natin araw araw.
oo na.
alam kong may mali ako sa parteng ito.
patawad.
huminge ako ng tawad nung araw na iyon.
di ko alam kung bakit hindi mo natanggap iyong tawad.
maaari mo bang ieksplika sa akin iyon?
dahil lang ba sa naramdaman mong isa kang hangin?
isang bisitang pinalayas dahil sa tingin mo ay hindi ka isang bisita para sa akin? hindi ba sobra sobrang pagiisip na ang ginagawa mo at hindi nararapat dahil sa hindi mo naman alam ang buong pangyayari?
nais kong ipaalam sa iyo na hindi iyon ang naiisip ko. alam kong masyadong masakit ang pagpapaalis ko sa iyo nung araw na iyon kaya lang kailangan kaya ako huminge ng tawad.
sana, kung sinabi mo kinabukasan pagkatapos ng pangyayaring iyon,
hindi na sana ito lalaki pa.
nakadagdag pa sa aking galit iyon.
at nabasa ko lang ito 2 araw pa ang nakalipas.
ibig sabihin, dalawang araw na nakikipag "plastikan" ka sa akin sa kadahilanang hindi mo pinaalam sa akin.
sa loob ng dalawang araw na iyon ay nagmukha akong tanga na nakikipagusap sa iyo ng matino.
nakikipagusap na akala ko ay walang problema.
nakikipagusap na akala ko naiintindihan at mahal ako ng mga kaibigan ko.
nakikipagusap akong isang gago na nnaniniwala sa mga salitang binitawan mo nung mga panahon na iyo.
ALAM MO BANG MASAKIT IYON? kung hindi, pinapaalam ko na sa iyo.
matapos kong mabasa ang hinanakit mo.
nagulat ako, kasi naisip ko.
bakit ngayon ko lang nalaman?
nagalit ako, kasi naisip ko.
ako lang ang pinatutukuyan mo ng salitang binitiwan mo.
bakit ka maglalagay ng isang salitang hindi nararapat. (WTF?!)
naiinis ako, kasi naisip ko.
bakit kailangang sa publiko mo pa sabihin? bakit hindi sa akin?
naiirita ako kahit papano, kasi naisip ko.
bakit ang taas taas ng pride na ginamit mo sa simpleng problemang iyon?
wala lang. eto mga dahilan ko. at hindi pa dito nagtatapos.
hindi ko inakala na mauuna pang malalaman ng ibang tao
na may galit ka pala kaysa sa akin.
ako kaibigan mo...
ang pagkakakwento mo ay
mukhang lumabas pang AKO LANG ANG MAY PAGKAKAMALI. AKO LANG.
wala na akong magagawa dun dahil iyon ang persepsyon mo kaya hindi ko na papalakihin pa.
nais ko lang sabihin saiyo na sana huwag kang ganyan.
bilang kaibigan mo pinapayuhan kita.
na huwag ka sanang laging ganyan,
huwag ka sanang huminge ng tulong sa iba
para maayos ang isang bagay
dahil kailangan mo iyan sa susunod pang mga problemang kakaharapin mo. kailangan mong tumayo sa sarili mong mga paa kung minsan.
hindi dahilan ang pagiging "introvert" mo sa mga bagay bagay.
sana maintindihan mo ang sinasabi ko.
sana malaman mo.
alam mo, kahit na nagalit/nainis ako sa iyo.
kahit kailan ay hindi ko magagawang magalit sa iyo habambuhay.
kasi parte ka na ng buhay ko.
at ayokong mawala ka sa puso ko:D
hindi na ako galit ngayon. kaya lang...
hindi ko pa kasi kayang makipagayos
ng hindi tayo nagkakaintindihan sa mga punto natin.
oo nga pala.
hindi ko ibig sabihin sa confe natin
na gusto ko ng putulin ang pisi na naguugnay sa atin.
patawad hindi ko nasabi sa iyo ang dahilan
kung bakit un ung sinabi ko dahil bigla ka na lang umalis.
hindi ko alam
kung bakit hindi ko personal na sinabi sa iyo.
pero kasi nung mga oras na iyon ay malapit na ako magalit at kung pinagpatuloy ko pa e baka ako ay sumabog na.
kaya patawad talaga ng sobra sobra.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
isa pang ihihinge ko ng tawad.
sori kung sobra na akong magreact ngayon.
sori, nadala lang.
napuno na kasi ako ngsobra sobra.
kasi may event na na nangyari noon na parang ganito lang.
pasensiya, at sa iyo nabuhos lahat ng galit ko.
pasensiya talaga. sumabog na kasi ang pasensiyang meron ako.
SORRY...
--------------------------------------------------------------------------------------------------------
nasabi ko na kung ano ang nais kong sabihin.
huminge na ako sa dapat kong ipagsori.
may isa lang na bagay ang hindi ko ihihinge ng sori
dahil alam kong hindi ako ung nararapat na magsori.
hanggang dito na lang.
HANDA NA AKONG MAKIPAGUSAP SA IYO.

