pinakaunang lantern parade na natapos ko hanggang kaduluduluhan ng programang ito. at ang masasabi ko lang MASAYA ito at NAPAKAGANDA.
nalate kasi ako ng dating dahil pagkalayo layo ba naman ng pinanggalingan. ayun tas distribution ng mga regalo sa mga coCOCs ko. tas ung kay sir dlc, nasa sa akin kasi. tapos nagstay lang muna ako sa
tas naglakad kami papuntang oblation, andun kasi sina jhoanna. everytime nagpeperform ang pep humihinto din kami. kasi ang galing galing nila haha. super inaantay na kami ni jhoe. lakad lakad. kami ni mia, napagtripan naming magsuot ng devil's headband kaya bumili kami ni mia:D 90 php para saming dalawa..
tas pagdating namin sa oblation. ang saya:D kasi un ung muli naming pagsasama sama kaming magkakaibigan. dun kami nagkaroon ng pagkakataong magsaya at magtawanan muli ng kumpleto kami.
ayan, nariyan na ang fireworks display! ang ganda. sobrang bonggang bongga ang mga papautok na ginamit nila. haha, sa bawat putok ng mga iyon, waring pinuno ng mga munting ilaw na ito ang buong kalangitan. nagsilbing ilaw ang langit na napakadilim. nagsilbing bituin ang mga ito sa ating kalangitan. kay ganda, hindi alintana ng mga tao kahit mangawit sila ng kakatingala, hindi nila alintana na maaaring mawalan sila ng gamit. tila napahinto nito ang sankatauhan upang tignan lamang ang napakagandang paputok sa kalangitan! pati ako, nakatingin lang ako sa kalangitan, pinagmamasdan ang panghuling hirit ng masayang araw na ito. at habang tinitignan ko ang kalangitan... kasama kong nagsasaya ang matalik kong kaibigan na si jhoanna. kahit na sobrang lamig ang simoy ng hangin... ok lang dahil matagal tagal na rin nung huli kaming nagsama. matagaltagal na.. sana maulit muli:)
super saya ng gabing iyon. gabi na sana hindi na natapos.:)
narito ang mga pics:)


