andami kong inisip kahapon.
adik.ewan kung anu ano pinagsasabi ko.
kung tutuusin talaga walang konek konek ung pinagsasabi ko sa kanila
di ko na maalala ung iba.
pero ung mga naaalala ko. un ung mga mensaheng...
masayang pakinggan sa tenga.
malungkot at..
masakit pakinggan sa tenga
nagawa ko pang magsinungaling sa best friend ko.
hbang sinasabi ko na ok lang ako.
masaya na ako.
tumatawa na ako.
pramis.
trust my words.
nakacross fingers pa ako.
kaya ko lang nagawa un para hindi niya na ako isipin e
para hindi na siya magalala
para hindi niya sabihan ung sarili niya ng wala siyang kwentang kaibigan
saka ayokong maramdaman na nasasaktan siya dahil sa akin
sori. kung selfless ako pagdating sa ganitong mga bagay...
wala na talagang pumapasok sa isip ko kundi hangin.
nung pawala na ung unli ko. nagpaalam na ko sakanila.
gusto na nila akong patulugin.
oo. nangako akong pipilitin kong matulog. pero hindi talaga ako makatulog
kahit na andami na nilang sinasabi. eto pa rin
hindi pa rin makatulog.
wirdo.di ko maintindihan ung nararamdaman ko.
halo halo.lahat na ng negatibo na feelings nararamdaman ko
di ko maexplain.
pero masakit pala. sobrang sakit.
nakinig ako sa radio. wala super kinig lang. hanggang ngiti lang nagagawa ko:)
hanggang dun lang.
nagtext si sir na matulog na ko at pagpahingahin ko ang brain cells ko.
pero kasi.para ngang naubos n lahat at wala ng natira.
wala na ata akong utak.
wala na.
mga alas tres ng umaga na ata ako nakatulog.
nagising ako mga alas dose ng tanghali.
pahinga un.mahabang pahinga.
pero bakit ganun? ramdam ko pa rin ang walang utak.
naisip ko na lang bigla.
sana mawala na ung problema ko.
sana ngumiti na ako ngayong araw.
sana maging matino na ako:)
sana maging masayahin uli ako.
sana matapos na ito.
HUMIHINGI AKO NG TULONG SAINYO HA:) salamat...