3:45pm... wait, bago ako maglagay ng entry... maliligo muna ako... at oorasan ko ang pagligo at pagaayos ko:p ill be back:D
4:24... ayan natapos nakong maligo!
game entry na!
nagising ako ng alas nuebe kanina pero dahil sa alam kong hindi nila ako papayagang umupo sa harap ng kompyuter...
nagdesisyon akong ipagpatuloy ang aking tulog...
ngunit napansin ko na pagkatapos ang 30 minuto lagi akong nagigising kaya
pagsapit ng 11am ay bumaba na ako mula sa kwarto kong sobrang kalat...
nanood ako ng TV sa 7 tas my dalawang segment dun na sobrang kinaiinisan ko...
eto ay ang salinawit na ginawa ni "miss ganda"
nung una natutuwa pa ko sa salinawit kasi naastigan ako...
ngunit ng mabasa ko ng masinsinan ang mga titik ng ginawa niyang kanta
ayy nasuklam ako...
totoo nga nmn... di nga maganda at sinisira nila ang orihinal na musika...
bagamat sariling atin ang gawa na iyon...
nakakairita lang talaga ang titik nito...
ikalawa...
ung mga lalaking artista nila na sumayaw sa awiting chiquita at iba pang kahalintulad ng ganitong kanta...
napansin ko lang ang kanilang mga itsura... ang laswa... at nakakaasar
basta kung napanood niyo un...
SOBRANG nakakaasar!!!
ooookkk...
tas lumipat ako sa kabilang istasyon
at ang naabutan ko ay ang segment nila kay chariz solomon
nagagalingan ako sa singer na iyon...
at sa totoo lang... nakakapigil hininga ang bawat bitiw ng kanyang nota
napakagaling niya talaga... hanga din ako sa kanya...
eto lang ang maibabahagi ko ngayon... at wala ng iba:D
wala kasing interesting dito ngayon...
ang pinakainteresting lang sakin ay kung pano makakakuha ng ice cream hahaha:D

