ung homework na nagpapakita kung gaano ko pinapahalagahan ang isang pagsasama
kaya... eto... sana mabasa ng mga kaibigan ko... kasi habang ginagawa ko ito ay
sila ang mga natatanging iniisip ko...
sa bawat pagbitiw ko ng salita...
naaalala ko ang lahat...
at sana sa pinasukan kong ito...
ayy... maranasan ko rin ung pagpapahalaga ko ng ganito sa kanila...
sana ay maging kaibigan ko sila...
kaibigan na kahit kelan ay hinding - hindi ko malilimutan...
*ay oo nga pala... may mangilan ngilan na pangungusap akong dinagdag...
kasi nung nagpasa ako ng takdang aralin ay medyo "cram" un...
pano nakapagpasa na ako matapos ang takdang oras... matapos ang ikaapat ng hapon...
kaya di ko xa ganun naayos...
etong mababasa niyo ay ung maayos na inayos ko:D
Sa paaralan ay may isang grupo ng magkakaibigan na nagtatakbuhan sa isang pasilyo. Kung titignang mabuti , ang bawat isa sa kanila ay masaya at tila iniisip nilang may isang magarbong pista na nakapaligid sa kanila. Bagamat alam nilang nasa isang lugar sila na payak ay hindi agad itong mapapansin dahil sa mga ngiting nakaukit sa kanilang mga mukha. Mga ngiti na waring pumapawi sa lahat ng problemang daladala nila sa kanilang kalooban…
isang makasaysayan na lugar para sa magkakaibigan ang pasilyong ito. Ditto nabuo ang kanilang grupo, dito nila nakilala ang bawat isa at ditto naayos ang bawat problema nila sa isa’t isa. Kung kaya’t ganun nalang nila itong pahalagahan.
Huminto na sila sa kanilang paglalaro at umupo na halos habulin ang kanilang hininga sa sobrang pagod. Maya maya pa ay nagdesisyo na silang kumain muna upang makapagpahinga. Kasabay ng kanilang pagpapahinga ay biglang nagsalita ang isa sa kanila.
“tignan nyo ang bawat posteng nagsisilbing pundasyon ng ikalawang palapag.” Sabi ng isa sakanila, ang pinakamadrama sa kanila tuwing siya’y magpapahayag ng kaniyang saloobin.
“bakit?” sagot nila.
“kung ako ang tatanungin, ang grupo natin ay parang mga posteng iyan. Kung pagsasamasamahin ay makakabuo tayo ng isang palapag na hindi ganoon kadaling matinag. Ang bawat isa ay pinapahalagahan para hindi mabuwag ang pagsasama na ating sinimulan.”
“sumasangayon ako sa iyong opinyon, pero kung ako naman ang tatanungin, ihahalintulad ko ang ating grupo sa isang malawak na quadrangle na katabi nitong pasilyong kinauupuan natin. Bagamat iisa lang ang kulay na madaling makita, ang bumubuo ng lugar na iyon ay iba’t ibang kulay. Mga kulay na mas nagpapaganda sa tuwing titignan ito ng mga taong napapadaan sa pasilyong ito.”
“Haay na koo, nagsisimula nanaman kayo… matagal pa tayong magsasama kaya bakit ganyan kayo magsalita parang maghihiwalay hiwalay na tayo ah…”
“oo nga, tama sya. Masyado naman ata kayong sentimental dyan. Inihahalintulad niyo ang pasilyong ito sa ating samahan. Samantala naman eh makikita lang naman ang mga kagamitan, mga bahagi ng kalikasan at mga proyektong ginawa ng nakaraang mga estudyante na prinepreserba ng ating mga guro upang ipakita sa atin ang kahalagahan at kagandahan ng siyensiya. Nakikita rin dito ang mga kwartong ating ginagamit sa pagaaral. At sa dulo nito ay ang pinakamaingay na lugar, ang canteen. Napakasimple lang naman ito kung tutuusin. Yung normal na ayos ng isang huwarang paaralan…”
“oo nga, tama ka riyan pero kung bibigyang katuturan natin ang bawat sinabi mo, ang bawat isa dun ay magiging simbolo ng kaganapan sa ating grupo.”
“talaga? Pano? Eh literal ko naman itong inilarawan sa inyo. Sige nga…” kahit alam nito na mabibigayan niya ng katuturan ito ay masayang hinamon nito ang kaniyang kaibigan.
“aba! Hinahamon mo ata ako!” sabay tawa at sinimulan na ang sasabihin.
“hindi mabubuhay ang grupong ito kung wala ang karakter ng bawat isa. ang ating mga karakter ang nagsisilbing magagandang kulay na nakikita ng lahat. At dahil sa mga karakter na ito ay patuloy nating hindi nakakalimutan ang mga kaganapan sa atin. Patuloy nating iniisip ang kahalagahan ng ating memorya ng bawat isa at ang pinakamadaling madaling Makita, marinig at maramdaman ng ibang tao ay an gating kaingayan. Ang kaingayan na nagsisimbolo ng mga ngiti sa ating labi, mga tawang hindi mapawi at ang kasiyahang patuloy nating dadalhin sa ating puso at isipan. Ito ang tunay na nakakapagpatatag sa atin… eto ang dahilan kung bakit hindi ako humihiwalay sa inyo dahil ang alam ko kayo ang humubog sa aking katauhan. Kayo ang nagpatatag sa aking kalooban at kayo ang mga taong tunay kong papahalagahan… kayo yon at wala ng iba! Parte na kayo ng aking buhay… patuloy itong titibok habang nariyan kayo. Patuloy itong magiging isang napakagandang memorya.”
“haay grabe… sa pasilyong ito nabuo ang lahat.”
“pano ba yan… nagawa ko na ang hamon mo!” sabay tawa.
“oo nga, natalo ako sa hamon ko… at dahil yon sa mga salitang binitiwan mo. Mga salitang nagpapatotoo sa lahat” tinanggap nito ng buong – buo ang pagkatalo. Alam na nyang matatalo sya simula pa lang… pero nais kasi niyang iparinig sa lahat kung paano pahalagahan ng kaibigan niya ang isa’t – isa kaya niya ito hinamon.
“o! tama na ang pagiging sentimental! Ubusin na natin ang ating mga pagkain at magdidilim na!”
“oo nga, magdidilim na at oras narin para maghiwalay tayong lahat upang umuwi sa kani kaniyang bahay…” malungkot na sinabi ng isa sa kanila
“ano ba! Kahit magdilim na o kahit magkaroon man ng isang dilubyo… hindi parin mapuputol ang sinulid na nagkokonekta sa atin. Isang sinulid na di mapuputol ng kahit sinuman o kahit anumang bagay. At isang sinulid na sobrang soobrang haba na kahit anong layo natin sa isa’t isa ay hindi parin mawawala ang komunikasyon natin na nagmumula sa ating puso at isipan. Hala sige na… ”
sa paglubog ng araw ay doon natapos ang kapistahang nagaganap, doon ay sabay sabay nilang niligpit ang kanilang kagamitan at naghanda sa pag alis. At sa kanilang pagalis ay hindi pa rin napawi ang ngiting ating nakita simula pa lang ng araw. Patuloy pa rin nila itong daladala hanggang sa kanilang pag uwi.
Naiwan ang pasilyong puno ng mga memorya ng grupo. Ang pasilyong nabibigyang buhay tuwing nariyan sila!