Kakaiba man siyang pakinggan, nais kong ipaalam sa inyo na nahihirapan akong sagutin ang katanungang ito. May iba’t – iba akong rason kung bakit. Una, kilala ko ang sarili ko ngunit hindi ko kayang isulat sa papel o kahit i-type man gamit ang makabagong teknolohiyang ito. Ikalawa, wala akong inspirasyon sa ngayon upang magsulat ng patungkol sa akin dahil madalas sa mga sinusulat ko ay patungkol sa pagmamahal ko sa sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko at sa iba pang mga tao. Marami pa akong mga dahilan kung bakit tulad ng dahil malapit na ang markahang pagsusulit, may pangkatang paglalahad na nakahain, o proyektong mala-thesis ang dating. Ngunit, may isang rason akong pinanghahawakan ng mabuti. Ito ay: Hindi ako sanay magsulat ng essay na hindi symbolized o metaphorical iyong mga term na ginagamit at hindi ko magagawa iyon kung wala akong inspirasyon.
Sa ngayon ang pinanghuhugutan ko ng inspirasyon ay ang aking nakaraan. Isa akong officer ng Corps ng UPIS. Nakabuo ako ng isang istoryang magpapakita ng personalidad ko na siya namang nais kng iparating sa inyo.
Nais kong ipamahagi ang isa sa mga gawa ko na matatawag kong “masterpiece” ng isang amateur na katulad ko sa pagsusulat. Matatawag ko siyang masterpiece dahil sa nanggaling ito sa kaibuturan ng aking puso. Napili ko ito sapagkat nais kong ipakita sa inyo kung sino ako, kung sino ang nagsusulat nito at kung sino ang totoong Apple.
At dito magsisimula ang kwento…
“Sa paaralan ay may isang grupo ng magkakaibigan na nagtatakbuhan sa isang pasilyo. Kung titignang mabuti, ang bawat isa sa kanila ay masaya at tila iniisip nilang may isang magarbong pista na nakapaligid sa kanila. Bagamat alam nilang nasa isang lugar sila na payak ay hindi agad itong mapapansin dahil sa mga ngiting nakaukit sa kanilang mga mukha. Mga ngiti na waring pumapawi sa lahat ng problemang dala-dala nila sa kanilang kalooban…
Isang makasaysayan na lugar para sa magkakaibigan ang pasilyong ito. Dito nabuo ang kanilang grupo, dito nila nakilala ang bawat isa at dito naayos ang bawat problema nila sa isa’t isa. Kung kaya’t ganun nalang nila itong pahalagahan.
Huminto na sila sa kanilang paglalaro at umupo na halos habulin ang kanilang hininga sa sobrang pagod. Maya maya pa ay nagdesisyon na silang kumain muna upang makapagpahinga. Kasabay ng kanilang pagpapahinga ay biglang nagsalita ang isa sa kanila.
‘Tignan nyo ang bawat posteng nagsisilbing pundasyon ng ikalawang palapag.’ Sabi ng isa sa kanila, ang pinakamadrama sa kanila tuwing siya’y magpapahayag ng kaniyang saloobin.
‘Bakit?’ Sagot nila.
‘Kung ako ang tatanungin, ang grupo natin ay parang mga posteng iyan. Kung pagsasamasamahin ay makakabuo tayo ng isang palapag na hindi ganoon kadaling matinag. Ang bawat isa ay pinapahalagahan para hindi mabuwag ang pagsasama na ating sinimulan.’
‘Sumasangayon ako sa iyong opinyon, pero kung ako naman ang tatanungin, ihahalintulad ko ang ating grupo sa isang malawak na quadrangle na katabi nitong pasilyong kinauupuan natin. Bagamat iisa lang ang kulay na madaling makita, ang bumubuo ng lugar na iyon ay iba’t ibang kulay. Mga kulay na mas nagpapaganda sa tuwing titignan ito ng mga taong napapadaan sa pasilyong ito.’
‘Masyado naman ata kayong sentimental dyan. Inihahalintulad niyo ang pasilyong ito sa ating samahan. Samantala naman eh makikita lang naman ang mga kagamitan, mga bahagi ng kalikasan at mga proyektong ginawa ng nakaraang mga estudyante na prinepreserba ng ating mga guro upang ipakita sa atin ang kahalagahan at kagandahan ng siyensiya. Nakikita rin dito ang mga kwartong ating ginagamit sa pagaaral. At sa dulo nito ay ang pinakamaingay na lugar, ang canteen.
Napakasimple lang naman ito kung tutuusin. Yung normal na ayos ng isang huwarang paaralan…’
‘Oo nga, tama ka riyan pero kung bibigyang katuturan natin ang bawat sinabi mo, ang bawat isa dun ay magiging simbolo ng kaganapan sa ating grupo.’
‘Hindi mabubuhay ang grupong ito kung wala ang karakter ng bawat isa. Ang ating mga karakter ang nagsisilbing magagandang kulay na nakikita ng lahat. At dahil sa mga karakter na ito ay patuloy nating hindi nakakalimutan ang mga kaganapan sa atin. Patuloy nating iniisip ang kahalagahan ng ating memorya ng bawat isa at ang pinakamadaling madaling makita, marinig at maramdaman ng ibang tao ay ang ating kaingayan. Ang kaingayan na nagsisimbolo ng mga ngiti sa ating labi, mga tawang hindi mapawi at ang kasiyahang patuloy nating dadalhin sa ating puso at isipan. Ito ang tunay na nakakapagpatatag sa atin… Eto ang dahilan kung bakit hindi ako humihiwalay sa inyo dahil ang alam ko kayo ang humubog sa aking katauhan. Kayo ang nagpatatag sa aking kalooban at kayo ang mga taong tunay kong papahalagahan… Kayo yon at wala ng iba! Parte na kayo ng aking buhay… Patuloy itong titibok habang nariyan kayo. Patuloy itong magiging isang napakagandang memorya.”
‘Magdidilim na at oras narin para maghiwalay tayong lahat upang umuwi sa kani kaniyang bahay…’ Malungkot na sinabi ng isa sa kanila.
‘Ano ba! Kahit magdilim na o kahit magkaroon man ng isang dilubyo… Hindi parin mapuputol ang sinulid na nagkokonekta sa atin. Isang sinulid na di mapuputol ng kahit sinuman o kahit anumang bagay. At isang sinulid na sobrang sobrang haba na kahit anong layo natin sa isa’t isa ay hindi parin mawawala ang komunikasyon natin na nagmumula sa ating puso at isipan. Hala sige na… ‘
Sa paglubog ng araw ay doon natapos ang kapistahang nagaganap, doon ay sabay sabay nilang niligpit ang kanilang kagamitan at naghanda sa pag alis. At sa kanilang pagalis ay hindi pa rin napawi ang ngiting ating nakita simula pa lang ng araw. Patuloy pa rin nila itong daladala hanggang sa kanilang pag uwi.”
At dito nagtatapos ang kwento. (May mga parte ng kwento na tinanggal upang mabigyan diin ang nais kong iparating.)
Dahil sa pagsusulat kaya ko naipapakita ang aking personalidad. Bagamat hindi ito tungkol sa akin, tungkol naman ito sa persepsyon na aking nakikita na ginagamitan ko ng sarili kong paniniwala. Ang pagsusulat ko ang nagpapakita ng aking pagkatao, ngunit ang tunay na humubog sa akin ay ang aking pamilya at mga kaibigan.
Kailanma’y hindi nila ako iniwan. Bagamat nais kong sarilinin ang aking mga problema, gumagawa pa rin sila ng paraan upang mapakita sa akin ang kanilang pagdamay. Sila ang nagpakita sa akin ang katotohanan sa likod ng maskarang aking ipinapakita. Sila ang unti - unting nag-aalis ng maskara upang aking mapakita ang aking mga mata sa liwanag ng araw. Sila at wala ng iba.
Sa bawat araw, bawat oras, bawat minuto at bawat segundo ng na inilagi ko sa mundong ibabaw masasabi kong importante ang mga iyon sa aking pamumuhay. Ito ang humubog sa personalidad na aking napapakita sa kasalukuyan. Ito ang nagpakita sa akin ng realidad sa ibabaw. Ito ang nagpakita sa akin ng kahalagahan ng bawat tao, hayop at bagay. Ito ang lahat para sa akin.
Masyadong general ung kaganapang ito para masagot ang inyong katanungan ngunit inaasahan ko na sapat na itong “masterpiece” na ito upang mailahad ko kung sino ako. Hindi na mahalaga para sa akin na i-enumerate lahat ng kaganapan, ang mas mahalaga lang sa akin ay maipakita at maipakilala ko sa inyo kung sino ako at kung sino sila na siyang humubog ng ako at walang iba kung hindi si Apple.